
Sa Aquino and Abunda Tonight,nagsalita si
Atty. Lorna Kapunan on behalf of Coco Martin kaugnay pa rin sa pagkondena ng
ilang grupo katulad ng Gabriella atPhilippine Commission on Women sa ilang
eksena sa The Naked Truth fashion show
ngBench. Ang pagrampa ni Coco Martin kung saan may dala
siyang babae na naka-leash ang isa sa mga eksena sa fashion show na nakatanggap
ng pagtuligsa.
Bago pa man ang
interview kay Atty. Kapunan, binasa ng host na si Kris Aquino ang Instagram
post ni Ben Chan kung saan muli itong nag-apologize sa mga tao at kay Coco.
Ayon sa kanya,“Coco only played the role given to
him.”
Binasa rin ni Kris ang
isang text message mula kay Coco. Sa mensahe ni Coco, sinabi nito na sobrang
siyang nalungkot sa mga nangyari. Inamin din niya ang kanyang pagkukulang dahil
diumano “hindi ko nakita ang malalim na
kahulugan ng pinagawa sa akin.” Pinangako rin ni Coco na mas
magiging sensitibo na siya sa mga issue na may kinalaman sa karapatan ng mga
babae. Mahal na mahal daw ni Coco ang kanyang Lola, Nanay at kanyang tatlong
kapatid na babae at nirerespeto niya ang kababaihan.
Ayon kay Atty. Kapunan,
may kontrata si Coco with Bench kung kaya para kay Coco ay trabaho ang lahat
and he was “acting out a role.” Ganunpaman,
inaamin diumano ni Coco ang kanyang pagkakamali at isang malaking pagsisisi
dahil nahuli ang realization na mali ang kanyang ginawa.
Isang French lady
diumano ang nag-direct ng show kung kaya hindi ito familiar sa “sensibilities ng mga pinoy.”
Dagdag pa ni Boy Abunda, napag-alaman sa research na may iba’t ibang konsepto
ang fashion show. Mayroon diumanong part na ang theme ay “Purity” at meron ding
“Animal Within Me.” Doon diumano napunta si Coco sa pangalawang theme.
Sinabi rin ni Atty.
Kapunan na ideally dapat kasama si Coco sa conceptualization ng fashion show,
ngunit hindi ito nangyari. Isang beses lang din nakapag-rehearse sila Coco
dahil sa pagdating ng Typhoon Mario sa bansa.
Payo pa ni Atty.
Kapunan, kailangan ng “self-police o self-regulation.” “Let us protect the
station, our artists, kasi you can be sued.”
Isa rin diumanong
oversight ang pag-apologize kay Coco at hindi sa babae na nasa dulo ng leash.
Dagdag pa ni Atty. Kapunan, tapos na dapat ang paghingi ng paumanhin at simulan
na ang pagpakita ng commitment. “You
have to walk your talk.”
Ayon kay Boy, “jarring”
sa kanila ang nangyari dahil malayo sa imahe ni Ben Chan ang mga pagtuligsa na
tinanggap ng Bench. “Ben Chan will never hurt women.” Pagtatapos naman ni Kris,
ang mahalaga ay nagpakita ng ownership si Coco at si Ben sa pamamagitan ng
pag-amin nila sa kanilang pagkakamali at paghingi ng paumanhin para dito.
source: www.abs-cbn.com
No comments:
Post a Comment