
Umamin ang Star Magic talent na si Julian Estrada na
nagkaroon sila ng relasyon ng young actress na si Julia Barretto sa loob ng
anim na buwan. Magka-batch sina Julian at Julia sa Star Magic Circle 2013.
Ginawa ni Julian ang pag-amin tungkol sa romantic relationship
nila ni Julia sa presscon ng first movie niyang Relaks, It’s Just Pag-ibig,
kagabi, October 30.
Hindi sana mabubuko si Julian pero nahalata sa facial
expression nito na may itinatago siya, kaya naman naging mapilit ang reporters
na dumalo sa presscon sa pagtatanong sa kanya tungkol dito.
Nagsimula ang lahat
nang tanungin ang young cast ng pelikula—na kinabibilangan din nina Iñigo
Pascual, Sofia Andres, at Ericka Villongco—kung na-in love na ba sila. Inamin
ni Ericka na naging magkasintahan sila ng Viva heartthrob na si James Reid sa
loob ng tatlong taon, pero nagwakas ang kanilang relasyon noong March 2014.
Umamin din si Julian na na-in love na siya minsan.
Gaya ni Ericka, break na rin raw sila nung girl. Bakit sila nag-break? Sagot ni
Julian, “’Coz we’re still young, marami pa tayong kailangang pagdadaanan.”
Natanong si Julian kung ano ang advice ng parents niya
pagdating sa pag-ibig. Si Julian ay anak nina Senator Jinggoy Estrada at Precy
Vitug-Ejercito “Yung dad ko, nalaman niya yung breakup ko with my…” sabay layo
ni Julian ng kanyang bibig sa mikropono at napangiti.
Hindi nito natapos ang unang sasabihin nang tanungin kung
taga-showbiz ba ang kanyang tinutukoy.
Source: www.pep.ph
No comments:
Post a Comment