
Nilinaw ni Kathryn Bernardo na walang halikang naganap sa
kanila ni Daniel Padilla kaugnay ng “kissing photos” diumano nila na naging
viral sa Internet.
Sa nasabing mga litrato, nasa airport ang dalawang teen
stars ng ABS-CBN at makikita sa series of photos na tila hinahalikan ni Daniel
ang nakatalikod na si Kathryn. Kuha raw ang mga larawan sa airport sa Canada,
kung saan sila nag-show ng isang linggo.
Paliwanag ni Kathryn sa ulat ng TV Patrol kagabi, November
11, “Mahilig si DJ [Daniel] na ginaganyan [pinipisil] ang mukha ko, inaasar
niya kasi ang cheeks ko. “So, may mga tao kasi andun na naghatid sa amin, so
nag-picture sila. “Siguro nung ginaganun yung face ko, na nasakto na na-block
yung face ko, so 'pag titingnan mo sa picture, mukha siguro siyang nagki-kiss.”
Dinepensahan din ng "Teen Queen" ang kanyang
loveteam partner. “Si DJ, kahit sino, inaalalayan niya. Clingy siya talaga.
Very comfortable po kasi kami.” PAST THE AUDIO-VIDEO RECORDING.
Samantala, sa ulat naman ng Bandila kagabi, sinabi ni Kathryn na nagkaayos na
sila ni Daniel matapos kumalat ang audio-video recording na kinasangkutan ng
young actor noong September.
Hindi naman itinanggi ng kampo nina Daniel at Kathryn na
ikinalungkot ng young actress ang nilalaman ng nasabing recording, kung saan
maririnig si Daniel na sinabing may nag-text sa kanyang babae—hindi si
Kathryn—na ikinakilig ng kanyang "tumbong."
, “Nalaman mo, normal lang naman kung pa’no niya naramdaman…
kung mangyari sa inyo 'yon, parang ganun din siguro 'pag naramdaman ko, pero
inayos naman ni DJ .” Dahil din daw sa nangyari, pareho silang natuto ng
kanyang kapareha. “Basta ngayon, siguro mas nag-grow kami pareho.” Susunod na
magtatambal ang dalawa sa remake ng Pangako Sa ‘Yo at magkakaroon ng pelikula
na ipalalabas sa February 2015.
Source: www.pep.ph
No comments:
Post a Comment