
Sa naging panayam sa guest hurado ng It’s Showtime na
si Maxene Magalona, sinabi niyang masaya ito na naging parte siya ng programa.
“Sobrang saya ko, sobrang saya kasi dati napapanood ko lang ito sa TV and
then now nandito ako live and the energy is just amazing and iba
talaga, ang saya. I am just so happy.”
Kaya naman maraming mga lumabas na mga spekulasyon at
balita, lalo pa at nag-trending worldwide sa Twitter ang kanyang sample talent
na pag-rap sa programa, na ang pagiging hurado ni Maxene sa noontime show ang
simula ng kanyang pagiging opisyal na kapamilya
Sa posibilidad na magkaroon siya ng proyekto sa kapamilya
network, naging bukas naman siya dito. “Well, ang tagal ko na kasing hindi
nagco-comedy kaya I am open to comedy. Pero siyempre I am
open to doing all kinds of roles, ano pa yan, no matter what. I mean just
to be here, sa ABS na after so many years in showbiz
and now that I am here I am open to do anything siyempre and I just want
to have fun.”
Aniya, “Siyempre si Papa P, gusto kong makatrabaho
si Papa P and well si Jake. Si Jake Cuenca kasi last ko
siyang nakatrabaho nung nandun pa siya sa kabilaand ano pa ako nun e, 15
years old and now it’s been so many years na and I have seen how he
has grown as an actor and I really want to be able to try to work with him.”
Source: push.abs-cbn.com
No comments:
Post a Comment