Ibinasura ng Pasig Prosecutor’s Office ang
reklamong panghahalay na inihain ni Roxanne Cabañero, 24, laban sa aktor na si
Vhong Navarro, 37. Ito ay sa kadahilanang kuwestiyonable at hindi tugma ang mga
detalyeng nakasaad sa sinumpaang salaysay ni Roxanne, kaugnay ng diumano’y
karahasang ginawa ng aktor sa aspiring beauty queen. Bunsod nito, wala umanong
sapat na ebidensiyang makpagpapatunay na may “probable cause” para sa reklamong
inihain ni Roxanne laban kay Vhong. Base ito sa resolusyon ni Assistant City
Prosecutor Christine Perolino na may petsang September 8.
“A careful
examination of complainant's allegations reveal circumstances that are
contradictory, suspicious and of doubtful nature,” saad sa isang bahagi ng
resolusyon. Nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng
resolusyon ngayong araw, October 3. Ipinaliwanag din dito na, ayon sa probisyon
ng Article 266 ng Revised Penal Code, ang “rape” ay maituturing na “sexual
assault,” kung saan ginamitan ng puwersa at pananakot ang isang biktima.
Ayon kay Fiscal Perolino, ang eksaktong petsa at oras kung kailan nangyari ang insidente
ay hindi maituturing na elemento sa “crime of rape.” Ngunit kataka-taka umanong
hindi detalyado ang kuwento ni Roxanne kung paano nanlaban ang dalaga noong mga
oras na siya ay hinalay diumano ni Vhong. Nakasaad pa sa naturang resolusyon:
“It may be argued that intimidation is very subjective and must be viewed in
the light of the victim's perception and judgment at the time of the commission
of the crime and not by any hard and fast rule. “Still, it is improbable for a
victim of rape not to make an outcry against an unarmed rapist when she had
every opportunity to do so. “Although the Court does not in any way expect the
complainant to resist unto death, no woman would meekly give in to a sexual
intruder were her life not in serious jeopardy. (People vs. Salem, id.) “This
only casts doubt as to the veracity of complainant's allegations as there was
no clear indication how she struggled with respondent when he sexually violated
her.” Kinuwestiyon din ang sinumpaang salaysay ni Roxanne kung saan sinabi ng dalaga
na inihatid siya ni Vhong sa Astoria Hotel pagkatapos siyang gawan ng karahasan
ng aktor. Gayong sa unang bahagi ng kanyang testimonya, sinabi ni Roxanne na
sinundo siya ni Vhong “15 meters away from the hotel lobby,” dahil umiiwas daw
ang aktor na mamataan sa pampublikong lugar.
Source: www.pep.ph
No comments:
Post a Comment