Saturday, October 11, 2014

Mary Christine Jolly camp slams Derek Ramsay’s public apology to Angelica Panganiban

Umalma ang kampo ni Mary Christine Jolly matapos humingi ng paumanhin ni Derek Ramsay sa ex-girlfriend na si Angelica Panganiban. Base ito sa ibinahaging mensahe ni Derek sa kanyang official Twitter account (@kingderekramsay) ngayong araw, October 9.


Derek Ramsay apologizes to Angelica Panganiban over concubinage complaint of Mary Christine Jolly Buwelta ng legal counsel ni Mary na si Atty. Argee Gueverra ukol sa naturang pahayag ni Derek: “My client finds it insulting that Derek Ramsay knows how to apologize to Angelica and to her fans over the concubinage case. “Mr. Derek Ramsay has the nerve to apologize to his kabit but does not man up and have a decency to apologize to his own wife and own child, whose very existence he deliberately denied from 2002 to 2014?  “He is indeed aspiring to become a CEO of Male Chauvinists Pig, Inc.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Guevarra sa telepono ngayong hapon. Sinagot din ng abugado ang pahayag ng kampo ni Derek na panggigipit ang motibo sa likod ng paghahain ni Mary ng reklamong concubinage laban sa aktor at sa dati nitong kasintahan na si Angelica, sa Parañaque Prosecutor’s Office kahapon, October 8.

Derek Ramsay, Angelica Panganiban face concubinage charges Maliban pa rito ang reklamong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children Act na inihain ni Mary laban sa aktor, noong June 27.  

Ayon kay Atty. Guevarra, may karapatan si Mary na maghain ng reklamong concubinage bilang legal na asawa ni Derek. Dagdag pa rito ang direktang pag-amin ni Angelica tungkol sa pagli-live in nila ni Derek sa mahabang panahon, noong magkasintahan pa sila ng aktor.  “My client is well within her right to file a criminal case, especially so, when the evidence is insurmountable and indicating the guilt of the two respondents,” saad ng abugado ni Mary. Hindi rin umano maitatatwa ni Derek ang katotohanan na sa mata ng batas ay asawa pa rin niya si Mary. Pahayag pa ng abugado hinggil sa paghahain ni Mary ng concubinage complaint laban kina Derek at Angelica: “Element of justice and a closure and vindication for her rights as the legal wife.


Source: www.pep.ph

No comments:

Post a Comment